Kaso ni GMA hindi papaki-alaman ni Poe

Grace-Poe-11-660x453
Pinaniniwalaan man na dinaya ang kanyang ama na si Fernando Poe Jr., noong 2004 presidential elections, hindi umano pakiki-alaman ni Sen. Grace Poe ang kaso ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Sa #MeetInquirer kahapon, sinabi ni Poe na ipauubaya niya sa korte kung ano ang sasapitin ni Arroyo.
“Kung aalisin ko ang sitwasyon sa isip ko na naging katunggali ni FPJ si GMA bilang isang tao syempre kahit na sino pa ang nasa kulungan na may tunay na kahinaan o sakit karamdaman kailangan natin bigyan ng konsiderasyon pero yan ay dapat nasa desisyon na rin ng mga doktor at sa korte,” ani Poe.
Si FPJ ay tinalo ni Arroyo sa kontrobersyal na 2004 elections kung saan lumabas ang mga alegasyon ng danaan gaya ng Hello Garci scandal. Namatay si Poe ng hindi natatapos ang pagdinig sa inihain niyang election protest.
“Kung ako ang magiging pangulo hindi ko pakikialaman yan kung ano ang magiging desisyon nan ay susuportahan ko,” ani Poe. “Ang importante sa isang pangulo ay panatilihin ang pagiging patas ng korte. At panatilihin na ang imbestigasyon ay maging malinis at maayos.”
Palagi umanong inaalala ng senadora ang mga payo sa kanya ng ama.
“Ang palagi ko lang inaalala ay yung mga tinuro niya sa akin na maging makatotohanan lang at huwag kakalimutan ang mga nangangailangan at naaapi, sabi nga nila kung sino ang mas nangangailangan yun ang dapat mas bigyan ng proteksyon sa batas,” dagdag pa nito.

Read more...