Paloma mas pinataas pa ang rating ng Ang Probinsyano

coco martin

Mas lalo pang tumaas ang rating ng Primetime Bida series ng ABS-CBN na Ang Probinsyano nitong mga nakaraang araw. Aliw na aliw kasi ang mga manonood sa pagpapanggap na babae ni Coco Martin sa serye.

Patok na patok sa madlang pipol ang pagganap ni Coco bilang si Paloma sa FPJ’s Ang Probinsyano complete with bonggang make-up at outfit. Noong Lunes kung saan ipinalabas ang pagsali ni Coco sa beauty pageant, pumalo sa 41.9% ang national rating nito base sa survey ng Kantar Media.

Ibig sabihin talagang tinutukan ng milyun-milyong Kapamilya viewers ang mga eksena ni Coco bilang si Cardo na naging Paloma sa pagsali nito sa beauty contest. Bahagi pa rin ito ng misyon ni Cardo na matimbog ang sindikato ng prostitusyon na dumukot kay Carmen (Bella Padilla), ang asawa ng namatay niyang kakambal.

Ayon nga kay Coco, napakahirap palang maging babae kaya mas na-appreciate pa niya ngayon ang mga girls. Sey pa ng Teleserye King, marami-rami pang dapat abangan ang manonood sa Ang Probinsyano lalo na ang pagpapatuloy ng misyon ni Paloma bilang undercover agent.

Kasama pa rin dito sina Susan Roces, Maja Salvador, Arjo Atayde at Gina Pareño at napapanood pagkatapos ng TV Patrol.

Read more...