Cogie Domingo napiling rapist ni Kylie
Back to acting muli ang dating matinee idol na si Cogie Domingo. Mapapanood ang aktor sa afternoon series ng GMA 7 na Buena Familia. Gagampanan ni Cogie ang role ni Kardo, ang leader ng grupo na magtatangkang gahasain si Celine (Kylie Padilla).
Excited nga ang actor sa kanyang role sa serye dahil na-miss niya ang pag-arte. Ilang taon din siyang nabakante dahil sa pagiging busy sa kanilang negosyo.
Ang balita pa nga ay napakaaga nitong dumating sa set para sa kanyang taping at nakapag-deliver nang maayos sa lahat ng kanyang mga eksena.
Hindi pa rin daw nangalawang ang akting ni Cogie kahit matagal siyang nawala sa limelight. Na-challenge nga agad si Cogie nang malaman niyang rapist ni Kylie ang magiging role niya sa soap.
Ito ang first time niyang gaganap na rapist sa isang teleserye kaya sana raw ay abangan ito ng mga manonood. Sana raw ay hindi naman magalit sa kanya ang mga tagasuporta ni Kylie dahil trabaho lang daw ang ginawa niya.
Abangan si Cogie sa Afternoon Prime series ng GMA simula Lunes, Peb. 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

