Kung si Binay ang maging Pangulo | Bandera

Kung si Binay ang maging Pangulo

Ramon Tulfo - January 28, 2016 - 03:59 AM

NANGUNGUNA si Vice President Jojo Binay sa mga survey ng presidentiable.

Nakalimutan yata ng mga tao, o binabale-wala ang mga paratang sa kanya na siya’y nangurakot at nagkamal ng napakalaking kayamanan noong siya’y mayor ng Makati .

Hindi siya dumadalo sa imbestigasyon ng Senado kahit na maka-ilang ulit siyang binigyan ng imbitasyon upang siya’y magpaliwanag.

Ang kanya lang sinasabi ay walang katotohanan ang mga paratang sa kanya. Kung walang katotohanan, bakit hindi niya sagutin ang mga paratang samantalang binibigyan siya ng pagkakataon na marinig?

Ang taas ng kanyang popularity and trust rating ay dahil sa mga taong walang pakialam kung anong nangyayari sa gobiyerno basta’t mabigyan lang sila ng pagkain kahit saan ito nanggaling o maabutan ng kuwarta kahit na ito’y nakaw.

Aminin natin na ang masa ang nagluluklok sa puwesto ng ating mga national and local leaders dahil sa lubhang dami nila.

Sisiw sa dami ang mga middle class at edukadong mga botante kumpara sa masa.

Hindi ko masisisi ang masa kung hindi sila bumoboto base sa isyu kundi sa magkano ang matatanggap na pera nila sa mga kandidato.

Kahirapan ang nag-uudyok sa kanila sa ganitong pag-iisip.

Kapag naging Pangulo si Binay dahil siya’y ibinoto ng masa, mas lalong maghihirap ang bansa dahil sa corruption.

Ang mga bidding sa mga government projects ay magiging rigged o lutong macau kapag si Binay ang naging Pangulo.

Mauubusan ng laman ang mga kaha ng bayan.

Aapihin ng gobiyerno ang mga mayayaman at malalaking negosyo sa pamamagitan ng iresponsableng pagbubuwis.

Mas magiging marami ang corrupt politicians dahil ang magiging pilosopiya ay “live and let live” o kanya-kanya nang nakawan.

Maghahari ang mga kriminal at drug pushers dahil ang pagtutuunan ng pansin ng liderato ay pangungurakot at pambabakal sa mga mayayaman.

At dahil hindi na masisikmura ng middle class at mga edukadong tao ang ginagawa ng bulok na liderato, magkakaroon ng Edsa III.

As usual, ang masa ay magmamasid lamang kung sino sa dalawa ang mananalo: ang middle class na napuno na o ang bulok na liderato.

Kung sino ang mananalo, tatanggapin ng masa gaya ng pagtanggap nito ng panibagong liderato matapos ang Edsa I at Edsa II.

Wala naman kasing pakialam ang masa basta’t sila’y makakain at mabigyan ng balato ng mga tao sa itaas.

At babalik na naman tayo sa “normal” na pamumuhay: ang mga nanalo ay magiging corrupt o mas corrupt kesa dati. Tumatakbo na naman sa pagka-Senador si dating Food Security Adviser Kiko Pangilinan.

Malaking tsansa na siya’y mananalo dahil siya’y nasa “Magic 12” sa mga surveys.

Noong huling nasa Senado si Pangilinan, siya ang may akda ng isang batas na nagkukunsinti sa mga kabataan na may edad na 15 pababa na gumawa ng krimen.

Kahit na gaano kalaki ang krimen na ginawa ng mga kabataan na ang edad ay 15 pababa, hindi sila makukulong o madedemanda.

Halimbawa, si Kevin Conanan, 16 anyos, ay pauwi na ng kanyang bahay sa Zapote St. , Makati , galing sa eskwela nang siya’y harangin ng mga lalaking may mga edad na 13 hanggang 15.

Pilit na kinukuha ng gang ang bag ni Kevin at nang hindi niya ibinigay, binugbog siya ng mga ito.

Isa sa mga kabataan ang pumukpok ng bato sa ulo ni Kevin na naging sanhi na itakbo siya sa Ospital ng

Makati intensive care unit o ICU.

Patawirin si Kevin sa ICU pero sa kabutihang-palad ay nabuhay siya.

Nahuli naman ng mga pulis ang pumukpok sa ulo ni Kevin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero pinakawalan rin ang 13-anyos na bata nang siya’y sunduin ng kanyang mga magulang at ipinakita na siya’y menor de edad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending