Isa na namang Philippine eagle ang namatay matapos matagpuang sugatan sa Camalig, Albay, kahapon.
Natagpuan ng isang Regie Imperial ang agila na sugatan sa Brgy. Tinago dakong alas-3:20 ng hapon, sabi ni Senior Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.
Dinala pa ang agila sa Albay Park and Wildlife, ngunit binawian din ito ng buhay, aniya.
Kinakitaan ang agila ng malaking sugat sa kaliwang bahagi ng katawan.
Di pa matukoy ng mga awtoridad kung anong nagdulot ng sugat ng agila, na isang pambansang sagisag ngunit itinuturing nang endagered species.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
