3 anak nina Cesar at Sunshine pinaligaya ni Diego Loyzaga
Nagpasalamat si Sunshine Cruz sa Pangako Sa ‘Yo actor na si Diego Loyzaga sa panahong ibinigay nito para magkasama-sama uli sila ng kanyang mga kapatid nitong Lunes.
Si Diego ay anak ni Cesar Montano sa aktres na si Teresa Loyzaga at half-brother nga ng tatlong anak ni Sunshine. Sa kanyang Instagram account, nag-post si Sunshine ng ilang litrato kung saan makikitang kasama nga ni Diego ang mga anak nina Cesar at Sunshine.
Nasa picture rin ang Kapamilya youngstar na si Sofia Andres. Nilagyan ito ni Sunshine ng caption na: “Dear Diego, you made your little sisters very happy. Thanks for the time and for the treat. Your sisters love you and they are very proud of you.”
Sa IG account naman ni Diego, nag-post din siya ng kanyang picture kasama ang kanyang half-sister at nilagyan niya ito ng caption na: “Missed you 3 so much! See you more often please. I Love yous.”
Samantala, speaking of Diego, pinatay na nga ni Madam Claudia (Angelica Panganiban) ang karakter niya sa Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo bilang si David.
Mas matapang, mas impakta at mas matindi ang kasamaan ngayon ni Claudia matapos nga itong malaman na si Yna at ang anak ni Amor Powers (Jodi Sta. Maria) na si Maria Amor ay iisa.
At siguradong gagawin ni Amor ang lahat para malaman kung sino ang pumatay kay David na natagpuan nga niyang bangkay na ang binata sa loob ng kwarto nito sa ospital.
Dito na muling magsisimula ang mas matitinding kaganapan sa pagitan nina Amor at Claudia. Tutukan ang mga pasabog na eksena sa muling pagkukrus ng landas nina Amor at Claudia at sa nalalapit ng ending ng love story nina Yna at Angelo (Daniel Padilla) sa huling tatlong linggo ng Pangako Sa ‘Yo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

