Julia pinatunayang walang inagaw kay Ciara

ciarra sotto

PARA patunayan na wala siyang kasalanan kay Ciara Sotto, dinalaw ni Julia Clarete ang singer-actress sa bahay nito noong Lunes ng gabi.

Bumalik si Julia sa Pilipinas mula sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan na siya naka-base ngayon para sa kanyang one-night only concert kagabi na ginanap sa isang bar sa Makati City.

Pagkatapos kasi ng mahigit 10 taon, bigla na lang nawala ang TV host-actress sa noontime show na Eat Bulaga at timing naman na sumabog ang balitang hiniwalayan na ni Ciara ang asawang si Jojo Oconer.

Kaya ang lumabas na chika, si Julia raw ang dahilan ng pagkawasak ng relasyon ng mag-asawa.
Bukod nga kay Julia, nauna nang nabanggit ang pangalam ni Valeen Montenegro na itinuturong third party raw sa paghihiwalay nina Ciara at Jojo.

Sa isang tweet ni Ciara kamakailan, pinatunayan nito na walang isyu sa kanila ni Julia. Anito, “My dearest sista @JuliaClarette I miss youuuuuuu! Come and visit soon ok? I love you!”

At sa kanyang Instagram account, nag-post uli si Ciara ng video kung saan mapapanood ang pagbisita ni Julia sa bahay nila kasama ang anak nitong si Sebastian. Nilagyan pa niya ito ng caption na: “Thanks for visiting us@juliaclarette 🙂 I love youuuuuuuuu! I really missed you and Seb!”

Sa isa pang video post ni Ciara makikita ang pagba-bonding nila ni Julia na may caption na: “Ang guapo ni Sebastian! @juliaclarette!!!” Wala pang balita kung bibisita rin si Julia sa Eat Bulaga bago siya bumalik sa Malaysia.

Read more...