Comelec: Pinal na pag-iimprenta ng mga balota ipinagpaliban muli

comelec
MULING ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) sa Pebrero 8 ang pinal na pag-iimprenta ng mga balota.

Sa isang press press conferce, sinabi ni Comelec chairman Andres Bautista na nagdesisyon ang en banc na ilipat ang iskedyul ng pag-iimprenta na naunang itinakda sa Pebrero 1.

Sinabi naman ni Commissioner Christian Robert Lim na masama ang kanyang loob sa naging desisyon ng Comelec.

Idinagdag ni Lim na target ng poll body na matapos ang pag-iimprenta sa Abril 25.

Read more...