Pia hinding-hindi mang-aagaw ng eksena sa kasal nina Pauleen at Vic | Bandera

Pia hinding-hindi mang-aagaw ng eksena sa kasal nina Pauleen at Vic

Ervin Santiago - January 26, 2016 - 02:00 AM

pauleen luna

NATULOY din sa wakas ang pinakahihintay ni Pauleen Luna na bonding moment with her “BFF” na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos ang ilang buwang pananatili sa Amerika.

Tinupad din ni Pia ang wish ni Poleng na muli silang magkasama sa isang reunion with their other friends pagbalik na pagbalik nito sa Pilipinas nu’ng weekend.

Sa nakaraang presscon ni Pia sinabi nitong masayang-masaya siya sa pagkikita muli nila ni Pauleen at ipinagdarasal niya na maging maganda at maayos ang kasal nito kay Vic Sotto sa darating na Sabado.

“I was with her in my room last night. We were chatting away, talking about her wedding, talking about the pageant. Naku, kuwentuhan lang kami, tawanan and with respect to her, she should be the one to reveal anything about her wedding but we are very excited.

That would be her day,” kuwento ng ikatlong Pilipinas Miss Universe. Siyempre, proud na proud din siya sa kanyang kaibigan dahil napagtagumpayan nito ang lahat ng challenges bilang girlfriend ni Bossing.

Alam naman ng buong mundo kung paano ipinaglaban ng TV host-actress ang pagmamahalan nila ni Vic na mauuwi na nga ngayon sa kasalan.”Ang saya lang na we found the happily ever after that we both wanted for her and for me,” pahayag pa ni Pia.

Naging close ang dalawa noong nagsisimula pa lang sila sa ABS-CBN bilang mga baguhang artista. Isa si Pia sa magiging bridesmaid sa kasalang Vic-Pauleen sa Saturday at natitiyak namin na hinding-hindi niya aagawan ng eksena ang kanyang BFF sa pinakamahalagang araw ng buhay nito.

Samantala, may dalawang bagay daw na hinding-hindi makakalimutan ni Pia sa kanyang Miss Universe journey. Una ay nang isuot na ang sash ng “Miss Philippines” sa registration ng 2015 Miss Universe pageant kung saan siya ang unang dumating at unang nag-register.

At ang pangalawa ay nang isuot na niya ang iconic blue gown na gawa ng Filipino designer na si Albert Andrada, “I’m so happy that we were able to wear a Filipino designer in Miss Universe.

It’s something that I was looking forward to for a very long time and I’m happy that it happened ng hindi pinipilit, na ipinagdasal ko lang na sana mangyari and it happened.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mensahe pa ni Pia sa sambayanang Pilipino, “To be back here now with the crown is my happy ever after. This is what I’m dreaming for in a lifetime. It’s not just my dream but it’s a dream of every Filipino!”

Kaya lang sad news para sa mga Pinoy fans ni Pia na umaasang very soon ay mapapanood uli siya na umaarte muli sa TV o pelikula dahil may plano siyang magtagal pa sa Amerika kahit tapos na ang reign niya bilang Miss U.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending