Vic kay Pauleen: Mabait siyang anak kaya magiging mabuti siyang asawa!

vic sotto

Bago ang wedding nina Vic Sotto at Pauleen Luna na inaabangan ng lahat ng Dabarkads, isang nakakakilig na interview naman ang ginawa ng tatlong sikat na lola sa kalyeserye ng Eat Bulaga sa bride and groom.

Ilang tanong ang ibinato nina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo) kay Bossing sa pre-wedding special ng Eat Bulaga kahapon.

Light at nakakatawa na may halong kilig ang naganap sa interview kung saan nagkwento na sa wakas si Bossing tungkol sa ilang detalye ng relasyon nila ni Poleng.

Unang tanong kay Vic kung ano ang nagustuhan niya kay Pauleen, sinabi nitong, “Siyempre pagdating sa looks wala ka nang hahanapin pa, pero para sa akin ang mas mahalaga kung ano ang laman ng puso, kung ano ang nasa loob.”

Sa five years na naging mag-on sila ni Pauleen ay marami ring pagbabago na naganap sa kanilang dalawa, lalo na pagdating sa pagkain. Kung noon daw ay hindi kumakain ng alimango si Pauleen, ngayon daw ay, “Favorite na niya ngayon.

Ako ang nagturo sa kanyang kumain. Ngayon hindi lang kain, lamon talaga!”Naniniwala naman si Vic na dahil nga mabait na anak at mabait na kaibigan si Poleng ay magiging mabait din itong partner.

Very sweet din daw ang kanyang future wife dahil palagi raw siyang tinetext nito ng “I love you”.Mas kinilig naman ang mga Dabarkads at ang tatlong lola nang sabihin ni Vic kung ano ang term of endearment nila ni Poleng.

Sagot ni Bossin, “Babe ang tawagan namin! Tanungin n’yo na lang siya kung may iba pa siyang tawag sa akin.” Abangan bukas ang iba pang gagawing pag-amin ni Bossing tungkol sa relasyon nila ni Poleng, ang babaeng napili niyang pakasalan matapos ang pakikipagrelasyon sa napakaraming girls.

Alamin kung paano nag-propose si Bossing sa kanyang bride at kung saan nila balak mag-honeymoon.

Read more...