One on One: Hindi pa ubos ang pasensya ni ANGELICA PANGANIBAN

angelica panaganibanNi Julie Bonifacio

NAKORNER namin ang isa sa mga bida ng 2012 Metro Manila Film Festival official entry ng Star Cinema sa set ng movie nila na “One More Try” ang sexy actress na si Angelica Panganiban.

That was the third last shooting day ng “One More Try” sa Antipolo kung saan kumpleto ang buong cast na humarap sa amin na kinabibilangan nina Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Dingdong Dantes.

Si Angelica ang gaganap bilang asawa ni Dingdong sa pelikula na idinirek ni Ruel Bayani. May anak si Dingdong kay Angel.

At boyfriend naman ni Angel sa movie si Zanjoe Marudo.

Iikot ang buhay nila dahil sa anak ni Angel na may sakit na gagampanan ng baguhang child star na si Miguel Vergara.

Naka-one-on-one namin si Angelica para sa BANDERA at narito ang kabuuan ng aming interbyu.

BANDERA: Ayon kay direk Ruel Bayani, tumalino raw sa pag-arte si Zanjoe. Ganu’n din kaya siya?
ANGELICA PANGANIBAN: Actually, ang tagal ko nang hindi nagagamit ang utak  ko. Pag-uwi ko, palagi akong pagod. Pero dito, parang school, palaging umaandar ang utak ko.B: Kumusta ang pagtatrabaho nila uli ni Dingdong after ng first movie nila na isa rin sa official entries sa Metro Manila Film Festival last year?
AP: Siyempre ngayon, hindi na ano—kung sa Segunda Mano, nagtatantiyahan kami kung paano ba ang ugali niya sa trabaho.

Siyempre ngayon, mas alam mo na. Well, wala rin naman itong arte.

So, magandang experience lang talaga ang naibibigay na nagkakaroon ka ng chance na makatrabaho ang mga taga-ibang network, ‘di ba?

B: What about with Angel since first time nila na magkasama sa isang proyekto?
AP: Ano, totoo. Totoo ‘yung sinasabi nila na mabait.

Maalaga sa mga katrabaho niya, sa mga kaeksena niya.

B: Wish din ba niya na mag-number one sa December filmfest ang “One More Try” among the other official entries?
AP: Oo, naman. At saka, sobrang positive kami rito na talagang pagkakaguluhan ito ng mga tao.

B: Bakit pagkakaguluhan ito ng mga manonood?
AP: Sa lahat. Ang ganda-ganda ng pelikula. Sobra talaga.

At saka, kapag Star Cinema ang gumawa, alam mo mismo.

At saka, kahit kami, nagugulat kami, ‘yung trailer, parang hindi tayo ‘yung nandoon.

Sabi ni direk Ruel, parang hindi ako ang gumawa, naiiyak ako.

Sabi ko, ako rin, naiiyak ako na nakikita ko ‘yung sarili ko roon.

Ang ganda, papanoorin ko ‘yan. Ganoon ang naramdaman namin. What more pa ‘yung iba.

B: Pareho silang maglalaban sa best actress ni Angel sa filmfest. Ano ang napi-feel niya rito?
AP: Ano lang, parang sa ginawa namin talaga, masaya na kami sa naibigay namin. Doon pa lang, panalo na kami.

B: Bukod kay Angel, marami pa silang makakalaban na mahuhusay na artista sa MMFF including the one and only Superstar na si Nora Aunor. Afraid ba siya?
AP: Eh, makapantay mo lang naman ang pangalan ni ate Guy sa isang category, kumbaga, nakakatuwa na talaga ‘yun.

Parang nakakahiya nga na nilaban pa kami, sana wala na lang, ‘di ba?

And the nominees are, wala pong nominees, si ate Guy na lang.

Para sa akin, given naman na kasi ‘yun. Wala ng makakatalo kay ate Guy.

B: Ano ba ang pinakahuling matinding drama movie niya?
AP: ‘Yung ‘I Love You Goodbye’ ang last na pinaka-seryosong ginawa ko. Tapos ‘Here Comes The Bride.’

B: Na-miss ba niya ang ganitong genre ng movie, ‘yung seryoso?
AP: Hindi naman. Hindi naman. Hindi naman na-miss.

Nandiyan pa rin naman na kahit nagko-comedy ka.

Mas malalim lang talaga ‘to. Mas mature lang talaga ang tina-tackle ng pelikulang ito.

B: Nakatulong ba sa pagganap mo ang mga pinagdaanan mo ngayong taong ito?
AP: Hindi, never naman akong kapag umarte, isinasama ang personal na nararamdaman ko sa trabaho.

Parang mas hindi effective ang eksena kung sarili ko ang gagamitin ko at hindi ang character ko.

B: Nagkwento ba siya sa real-life boyfriend niya na si John Lloyd Cruz ng mga eksena niya with Dingdong gaya ng ginawa ni Zanjoe Marudo sa girlfriend niyang si Bea Alonzo?
AP: Hindi.

 B: May mga matitindi ba silang love scene ni Dingdong sa One More Try?
AP: Meron naman. Mga dalawa.

B: Masasabi ba niya na ito na ang pinaka-sexy at boldest fim niya?
AP: Parang ito na nga.

B: Paano siya na-convince? Hindi ba siya nagdalawang-isip?
AP: Hindi, at saka artista ka, eh. Hindi puwedeng marami kang arte. Kung ano ang sabihin ng director, ‘yun ang gagawin mo, ‘di ba?”

B: Gaano kainit ang love scene nila ni Dingdong sa movie?
AP: Sabi naman nila, hindi naman daw pinaputol noong pinapanood nila sa management.

So, katanggap-tanggap naman siguro. Tolerable naman siguro.

B: Naitsika niya ba kay John Lloyd ang love scene nila ni Dingdong?
AP: Hindi naman para pag-usapan namin.

B: Ang peg daw ni direk Ruel kay Zanjoe sa movie ay ang aktor na si Richard Gomez. Habang sila naman daw ni Angel ang Vilma Santos at Lorna Tolentino ng kasalukuyang panahon. Ano’ng masasabi niya rito?
AP: Wala…siyempre, kung ‘yun ang tingin ni Direk, nakakatuwa naman.

Pero, iba naman ang naibigay nina Vilma at Lorna para masabing ganoon kami.

B: Ano ang pinaka-mahirap na scene na ginawa niya?
AP: Lahat! Kapag napanood n’yo, ay nakakapagod.

B: Pwede ba niyang ikwento ang karakter niya sa movie?
AP: Si Jack kasi, career-driven, woman of the world. Pinapaandar niyang lahat.

Siya ang nasusunod. Siya ang boss pagdating sa opisina.

Pero pagdating sa asawa, submissive. Ganu’n siya. So ‘yun ang weakness.

Nasasaktan na siya kapag puso na ang tinitira sa kanya. Nalulugmok na siya.

B: Sa totoong buhay, kaya ba niyang ipahiram ang asawa niya?
AP: Depende pa rin kasi ‘yun sa pag-uusap niyong dalawa.

Sabi ko nga, nakakagulat kasi, ‘yung karakter ni Dong, sobrang bait.

Parang kung ganu’n ang senaryo, hindi ko na ipapaalam.

Bubuhayin ko na lang ang bata. Tapos kapag nabuntis na ang babae, saka ko na lang sasabihin sa asawa ko.

Sobrang bait ng karakter niya.

B: May linya siya sa ‘One More Try’ na ang pera hindi nauubos, pero ang pasensya niya nauubos. Paano naubos ang pasensya niya sa movie?
AP: Siguro dapat panoorin niyo kung paano naubos. Gaano ba karami ‘yung pasensiya.

B: Sa totoong buhay ba nauubos ang pasensya niya?
AP: Hindi pa.

B: Sadyang mahaba siguro ang pasensya niya?
AP: Oo naman. Forgiving ako, e. Mas maganda ang karma no’n.

B: Hindi basta-basta nauubos ang pasensiya niya? Hindi siya basta-basta nagagalit?
AP: Six years bago naubos.

B: Ano naman ang feeling na happy ang lovelife ngayon?
AP: Siyempre, maganda ‘yung wala kang dalang problema kapag pumupunta ka ng trabaho.

Malaking bagay ‘yun. Malaking tulong ‘yun na dumarating ka sa trabaho na magaan ang karga mo.

Smile ka. Wala kang ibang iniisip kung hindi trabaho mo lang hindi ‘yung problema n’yo.

Pupunta ka sa set na ang gulo-gulo ng utak mo dahil meron kang gustong ayusing problema.

B: A few weeks back na-involve ulit si Angelica sa mga social networking sites dahil sa pagtu-tweet niya tungkol sa kanyang lovelife, past and present. Sa tingin niya, itutuluy-tuloy pa rin niya ang pagpo-post ng mga litrato niya sa Twitter o Instagram?
AP: Bakit naman ako titigil? At some point kasi, may mga kailangang i-release na mga bagay.

You’ll never know, makakatulong pala ‘yun sa ‘yo personally.

Nakagaan pala.  Parang wala na akong dinadala ngayon kasi, out in the open na siya.

Ganu’n lang naman. Mahirap kasi na maraming sinasabi sa ‘yo ang mga tao pero, hindi naman pala sila mga, isang tao lang pala.

Hindi rin naman maganda ‘yun.  Trabaho ka ng trabaho araw-araw, nagpakakapagod ka.

May isang tao na kayang-kaya niyang sirain ang lahat, nakaupo lang naman diyan.

Kung anu-ano ang sinasabi niya. Akala mo, alam niya ang ginagawa mo. Ang dami niyang alam, ‘di ba?

B: Ano ang plano niya sa nalalapit na Kapaskuhan? Magpapa-private screening ba siya sa friends and relatives niya para sa “One More Try?”
AP: Kami rito gusto naming manood ng sabay-sabay.

B: Magkasama ba sila ni John Lloyd on December 24?
AP: Nakabakasyon ho ako. Bago ko pa tanggapin, sinabi ko na wala ako sa parade.

May pinirmahan naman akong waiver.

Unang beses ko ho na makakasama ang pamilya ko.

Nasa Amerika sila. And for five years, hindi ako sa kanila nagpa-Pasko.

Siyempre ako masaya pero mas masaya sila kasi, feeling nila, may tama siyang gagawin ngayong taong ito.

Pamilya na ang pina-prioritize niya.

B: Dati hindi tama ang ginagawa niya?
AP: Katangahan ang ginagawa ko dati.

B: Hanggang January 4 ba ang bakasyon niya? Si John Lloyd ‘di niya kasama?
AP: Priority ko lang muna ang pamilya ko. Ganoon din naman siya.

B: Anong gusto mong matanggap na gift ngayong pasko?
AP: Wala akong gustong matanggap.

B: What about non-material gifts this Christmas na gusto niyang makuha?
AP: Siyempre, gusto naming tangkilikin ang pelikula, mag-number one.

Anim na buwan namin itong pinaghirapan.

Buwis-buhay po naming tinatapos ang pelikula.

B: Paano mo ia-asses ang 2012 mo?
AP: Siyempre ano siya, parang ngayon lang ako naka-experience ng ganito.

Kakaibang experience. Parang this year ako nakabili ng sarili kong bahay.

B: Fully-paid na ba?
AP: Hindi pa naman pero siyempre, iba ‘yung umuuwi ka sa sarili mong bahay, ‘di ba?

B: Dati ba hindi niya pag-aari ‘yung bahay na binili niya sa bandang south area?
AP: Sa akin nakapangalan, pero, naghati kasi kami (ang tinutukoy niya ay ang ex-boyfriend na si Derek Ramsay).

B: Nakuha na niya ‘yung share niya?
AP: Hindi po.

B: Kukunin mo ba?
AP: Inaayos pa po.

B: May iba pa bang investment na gusto niyang ipundar for herself?
AP: Siyempre, gusto kong makapagtayo ng business, ‘di ba?

B: Ano’ng business?
AP: Bahala na po ang pamilya ko para may income sila at dito na lang sila at hindi na pupunta ng Amerika.

B: Naayos na ba ang relasyon niya sa enterainment press? May lumabas kasi na write-up na hindi nila gusto ang pamamaraan ng pagsagot niya sa interbyu. Feeling nila, nababastos sila.
AP: Naku, problema n’yo na ‘yun. Kayo nagtatanong so, kayo umintindi.

B: Nabalita rin noon na supposed to be may pasasabugin siya sa The Buzz pero hindi raw natuloy. Totoo ba?
AP: Wala naman hong sinabi na mag-The Buzz ako.

Wala naman ho’ng sinabi na nandoon ako.

Kapag inintindi naman ng mas mabuti ‘yun at malawak naman ang pag-iintindi mo, hindi ‘yun isyu, ‘di ba?

At saka ano, hindi ako nagtatrabaho ng Sunday. Depende lang kung kailangan.

B: Nasaan na ang kontrobersyal na mini-copper na kotseng iniregalo sa kanya noon ni Derek?
AP: Binenta yata niya.

Read more...