Lindol sa Zambo

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.4 ang Zamboanga del Norte kahapon ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-5:19 ng umaga. Ang senator nito ay natunton dalawang kilometro sa silangan ng Dipolog City. Ang lindol ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. May lalim itong 19 kilometro. Naramdaman ang Intensity II paggalaw sa Dipolog City.

Read more...