SAF 44, Tita Cory at Miss U | Bandera

SAF 44, Tita Cory at Miss U

Jake Maderazo - January 25, 2016 - 03:00 AM

NGAYONG Lunes, tatlong okasyon ang nasa isip ko. Una, ang kaarawan ng yumao ngunit minamahal nating dating Pangulong Cory Aquino. Ikalawa, ang unang anibersaryo ng SAF Fallen 44 sa Mama-sapano, na umano’y “pi-nabayaan” ng anak ng dating pangulo. At ikatlo, ang parada mamaya ng bagong Miss Universe na si Pia Wurztbach na nakamit natin matapos ang 43 taon. Tatlong magkakaibang emosyon. Una, ang pagmamahal, pasasalamat kay Tita Cory na kahit hindi perpekto ang na-ging pamamahala ay itinawid niya tayo mula sa diktadurya. Ikalawa, magkahalong galit at awa na may halong paninisi kay Pangulong Noynoy Aquino dahil sa Mamasapano ang nararamdaman natin. Dalawang okasyon na magkatuwang na sa kasaysayan. Ang birthday ni Tita Cory, at pagkamatay ng SAF44 kung saan malaki ang naging papel ng kanyang anak na si PNoy. Idagdag pa natin na 24th anniversary ng PNP noon na nakatikim ng pinakamatinding bilang ng casualties. Mabuti na lang at kasiyahan at pagmamalaki ang iiral sa parada ng bagong Miss Universe sa Maynila, Makati at Araneta sa Quezon City. Maswerte po ang he-nerasyon ko noon dahil meron kaming dalawang nanalong Miss Universe na sina Gloria Diaz (1969) at Margie Moran (1973). Pero kayong mga “millenials” at mga 43 years old pababa ay nga-yon lamang mararamdaman ang kasiyahan na ito. Pero, ang seryosong “public opinion” ay nakatuon sa Kampo Crame na nagkataong kasabay din ng 25th anniversary ng PNP. (Naisip ko tuloy, kung nagtagumpay ang Mamasapano o-peration, masaya si PNoy, birthday ng nanay niya at lalong mas masaya si da-ting PNP Chief Alan Purisima dahil nataon palang anibersaryo ng PNP). Dadalo si PNoy para ibigay ang posthumous “Medal of Valor” award sa 2 SAF member na sina Sr. Insp. Gednat Tabdi at PO2 Romeo Cempron. Aprub din ng NAPOLCOM ang “Medalya ng Kabayanihan” sa 42 pang nasawi kabilang ang “survivor” na si Supt. Raymond Train. Ang 15 pang sugatan ay tumanggap din ng “PNP Wounded Personnel Medal.” Nagdetalye ang PNP na ang mga pamilya ng SAF 44 ay tumanggap nang halos tig P2 milyon bawat isa mula sa donasyon at benepisyo as of January 16. Ang kabuuang pera ng PNP (P69.5M) ay kasama ang San Miguel Foundation-Insurance Company (P24.5M) NAPOLCOM(P14.5M) at Presidential Security Fund (P11M). Ang mga donasyon ng Senate, House at mga LGUs ay P26.8M kasama na ang tig-P30 pesos na abuloy ng kapwa pulis. Apatnaput anim na anak ng 28 pamilya ng SAF 44 ay merong “assistance” sa elementary, high school, vocational at college. Bawat pamilya ay may tig- isang libreng college scholarship. Samantala, ang NHA ay nagtayo ng 32 housing units at 24 pa ang under construction nitong Enero 8. Sa kabuuan, check sa akin ang pagbibigay ng kaukulang karangalan kahit atrasado, check ang pagbibigay ng benepisyo. Pero ang tanong pa rin ng mamamayan, “May hustisya na ba ang Fallen 44?” Bakit sila namasaker? Bakit walang dumating na “reinforcements”? May nag-utos ba ng “stand down order” sa mga tutulong na sundalo, walang nag-utos o nakalimutan? Abangan natin ngayong Miyerkules sa Senate hearing!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending