HAYDEN KHO hinding-hindi matatanggap ni MOMMY DIVINE para kay SARAH

hayden sarahKung si Gerald nga na wholesome inayawan para sa kanyang anak, siya pa kaya…

JUST because nag-guest siya sa show ni Sarah Geronimo ay pinalalabas na si Hayden Kho na ang bagong pumoporma sa Pop Star.

Ewan kung nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap man lang ang dalawa but rumors surfaced na parang pilit na inili-link sina Sarah and Hayden.

No offense meant but we don’t think that Hayden stands a chance na maging close man lang kay Sarah.

For one, tiyak na hindi siya magugustuhan ng madir ni Sarah.

Kung si Gerald Anderson nga na halos kasing-edad na ng dalaga ay hindi pa rin pumasa sa panlasa ni Divine ay ito pa kayang si Hayden ang makakapasa?

Between Gerald and Hayden ay mas kontrobersiyal naman ang huli and we need not go into details.

Sa palagay n’yo ba ay gugustuhin ni Divine na maging close man lang si Sarah sa doctor na ngayon ay aspiring actor?

Read more...