Makakapasa ba sa board exam ngayong 2016? (2)

Sulat mula kay Cecil ng San Pedro, Alegria, Surigao del Norte

Problema:
Nakaisang bagsak na po ako sa nursing board exam, pero balak ko pong mag-take two kaya ngayon pa lang nagre-review na ko. Naisipan ko pong sumulat sa inyo upang itanong kung sa taon po bang ito ng 2016, kung kukuha uli ako, makakapasa na kaya ako? Pangarap ko rin pong magtrabaho sa ibang bansa. Kung sakaling makukumpleto ko na ang mga requirements, may pag-asa po ba akong makapag-abroad? At kapag nasa abroad na ako, magkakaroon kaya ako ng magandang kapalaran doon? March 10, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Cecil Surigao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ayon sa zodiac sign mong Pisces (Illustration 2.), kung ang nursing board exam sa taong ito ay natapat sa favorable month mo na June or July, tiyak ang magaganap—maluwalhati kang makakapasa upang maging isang ganap at lisensyadong nurse.

Numerology:
Ang birth date mo namang 10 ay nagsasabing sa sandaling nakapasa ka sa nursing board exam at nakapag-abroad ka na, tuloy-tuloy mo nang makakamit ang malalaki at mas madali pang kakaibang suwerte sa ibayong dagat dahil ang numerong 10 ay likas na suwerte sa abroad.
Luscher Color Test:
Upang lalo mong mahigop ang suwerte habang nagre-review, nage-exam at nag-aaplay sa abroad, lagi kang magsuot ng kulay na green at yellow. Ang mga kulay na nabanggit ang lalo pang magbibigay sa iyo ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran.
Physiognomy:
Kailangan ding medyo maikli lang ang iyong buhok sa halip na mahaba upang mas lumakas ang liwanag ng iyong aura. Kapag malakas ang liwanag ng iyong aura, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating sa iyong buhay sa taong ito ng 2016.
Huling payo at paalala:
Cecil, ayon sa iyong kapalaran, tama lang ang binabalak mo na kumuha ng nursing board exam sa taong ito. Sa sandaling nag-take ka ng exam ngayong tao, sa edad mong 26 pataas, tiyak ang magaganap—makakapasa ka na sa nursing board exam, magkakaroon ng magandang career, hanggang sa dumating ang taong 2018, sa edad mong 28, makapag-aabroad ka na at at sa ibayong dagat ay tuloy-tuloy at lalo pang gaganda ang iyong kapalaran sa larangan ng career at materyal na bagay.

Read more...