KALIWA’T kanang post ang ginagawa ni Pauleen Luna about her forthcoming wedding with comedian Vic Sotto na tila atat na atat nang magpakasal kay Bossing. Baka nga naman kasi bigla pang umurong.
Social media people saw her wedding invitations, her wedding entourage, her wedding ring, her bridal gown, her bridal shower.
Nang lumabas sa ABS-CBN ang lugar kung saan siya ikakasal ay biglang naimbyerna ang bride-to-be.
Kulang na lang ay bawiin niya ang invite sa mga taga-Dos. Super disappointed daw siya when TV Patrol mentioned the date of her wedding.
Ang feeling daw ni Pauleen ay na-pre-empt siya dahil sa Eat Bulaga pala nila sasabihin ni Vic kung kelan at saan sila ikakasal.
Well, we were informed that the couple will wed at St. James The Great Parish sa Ayala, Alabang. Reception will follow at The Tent, Filinvest Corporate City, Ayala, Alabang.
Naku, baka sabihin ni Pauleen ay dini-disrespect namin ang wedding niya. Well, trabaho lang ito, Pauleen, at walang personalan.