JaDine fans hiniling sa ABS na pahabain pa ang OTWOL

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

SA nalalapit naman na pagtatapos ng kiligseryeng On The Wings Of Love sa Peb. 26, Biyernes ay marami na ang nalulungkot, gusto pa itong ipa-extend ng netizens lalo na ang mga kakilala naming TFC subscribers.

Pero sa pagkakaalam namin hindi na ito puwedeng i-extend dahil hindi na kakayanin pa nina James Reid at Nadine Lustre dahil may world tour sila kasabay na rin ng paghahanda sa kanilang post-Valentine show sa Peb. 20 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Yes bossing Ervin, bago magtapos ang On The Wings Of Love sa Peb. 26 ay mapapanood muna sina James Reid at Nadine Lustre na mag-concert sa Big Dome.

Maraming nagtatanong sa amin na TFC subscribers kung anong next project ng JaDine at bakit kailangang tapusin kaagad ang OTWOL dahil ito lang daw ang pinapanood nu’ng iba dahil anila,

“Pampawala ng stress from work. Nakakawala ng pagod.”

Maging ang mga bidang sina James at Nadine ay may separation anxiety na rin sa pagtatapos ng serye kasi nga naman anim na buwan silang nagkasama sa serye.

Samantala, payag naman si Nadine na mag-audition para sa “Darna” movie kung bibigyan siya ng chance. Isa ang OTWOL star sa pinili ng mga tao na pwedeng mag-Darna base sa isinagawang survey.

“Well nakakatuwa. I’m just thankful for the fans na sabi nga nila ako daw ang nai-imagine nila kasi nga di ba Darna she’s one of the most iconic na characters ng roles dito sa atin so why not? But now we have

On The Wings, we have the concetr, so we’ll see,” ang naging pahayag ni Nadine sa isang panayam.

Para sa magdidirek ng “Darna” na si Erik Matti, okay din daw ang dalaga pero gusto muna niyang makita uli si Nadine. Sabi ni direk, “Hindi ko lang alam kung ang height niya ay tama.”

Read more...