Joel Cruz binatikos sa pagiging ‘discriminatory’; 2 yaya pinagsuot ng mask sa binyag ng bagong kambal

BATIKOS na kaliwa’t kanan ang inabot ni Joel Cruz,  fragrance manufacturer. dahil sa umano’y kanyang discriminatory act.

Marami ang nam-bash sa kanya nang maglabasan ang photo ng binyag ng kanyang bagong kambal.

Sa photo kasi ay nakitang naka-mask ang mga yaya ng bata samantalang si Joel, ang kanyang ina at kambal na anak ay wala namang mask.

Napilitan tuloy magsalita ang celebrity businessman:  “As a single father na super busy ang schedule sa trabaho, hindi ko kaya mag-alaga mag-isa sa aking mga anak. Ayaw kong maging pabaya sa kanilang lahat at sinusunod ko lang din po ang advise ng pediatrician na mag-mask kami, nurse at mga nanny kapag close contact sa mga bata from birth until two years old,” say ni Joel.

“Ang kabutihan po ng paggamit ng mask ay maiwasan ang droplets o mga common organisms at ‘yung ang nagiging reverse isolation. Ito po ay protection hindi lang ng mga anak ko kundi pati rin ng mga yayas at kaming lahat nagsusuot ng mask. Panahon din po ngayon ng pabago-bago ng klima kaya dapat lang mag-ingat tayong lahat.

“Walang discrimination po dito at sa tanang buhay ko ay ni-isang tao ay hindi po ako marunong mag-discriminate. Pagmamahal, pag-unawa, pag-asikaso at respeto ang binibigay ko po sa lahat ng tao ganon rin sa aking mga empleyado at mga nanny. Salamat po!” dagdag pa niya.

Actually, marami rin ang naloka dahil parang apat na pari pa ang nag-officiate ng binyag based on the photo na pabinyag ni Joel sa anak niyang kambal. Nayabangan ang netizens kay Joel. Masyado raw itong paandar.

Read more...