Mga judge sa ‘Tawag ng Tanghalan’ ng It’s Showtime malulupit

By Ambet Nabus January 22,2016
share this

Mga judge sa ‘Tawag ng Tanghalan’ ng It’s Showtime malulupit

By Ambet Nabus January 22,2016
share this

GRABE talaga ang labanan sa “Tawag ng Tanghalan” ng It’s Showtime.
Alam naming magagaling ang napipili nilang kalahok, pero sadyang malulupit ang mga judge dahil for two consecutive days (last Monday and Tuesday), parehong may dalawang na-gong kaya automatic winner ang naka-survive.
Nakaka-tense ang naging depensa nu’ng defending champion last Tuesday. On her fourth attempt sana for a slot sa semi finals, kinabog siya ng nag-level up na contestant.
Tama naman ang sinabi ni Karla Estrada na makikilala nga ang mga hurado kung paano nila pinili ang winner.
Sey nito, “Either papaboran mo ba yung naitawid nang bonggang-bongga ang isang mahirap na kanta, o suwabeng nakanta ang isang simpleng song.”
Hirit pa ng head ng jury na si Rey Valera (na nahulog pa sa upuan nang bumirit ang humamon sa defending champion), “Ito ang masarap na hatulan kasi kumbaga sa prutas, pareho silang mangga. Mamimili ka kung alin ang gusto mo, yung kinalabaw o yung matamis sa puno?”
In the end nga, nanalo ang bagong winner at natsugi na ang journey ng defending champion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending