Kris sa relasyon nila ni Bistek: Hindi kami nagkabalikan, ayaw ni Ate!

KRIS AQUINO AT HERBERT BAUTISTA

KRIS AQUINO AT HERBERT BAUTISTA

GINISA ni Annabelle Rama si Kris Aquino tungkol sa naging relasyon nila ni Herbert Bautista sa mismong morning show nito kahapon.

Kahit hindi binanggit ang pangalan, obvious namang si Bistek ang pinag-usapan ng talent manager at ni Kris. Unang tinanong ni Bisaya kung totoong nagbalikan na sila ni Mayor Herbert.

“Hindi talaga. Ayaw ni Ate,” natatawang tugon ni Kris.

Paliwanag pa ng TV host, “Kasi siguro hindi siya ever ikinasal. So sa mga naging partner in life niya, walang closure. Unlike me na na-annulled, may closure, klaro,” na ang tinutukoy ay ang ex-husband niyang si James Yap.

“So, if you did not make a commitment, you’re really not the type who will commit, ‘yun talaga mararamdaman mo. And may malulugi along the way, which is true kasi the children will feel na hindi napakasalan ang mom namin. So parang hindi fair na mayroong ibang papakasalan,” aniya pa.

Siniguro pa ni Kris na hindi talaga siya naghahanap ng lalaki, “Siguro it helps na ‘yung dalawang boys ko ay sobrang tutok at malambing sa nanay nila. Siguro kung wala sila super talaga. Secondly, maganda ‘yung sinabi mo na you should be busy. But no relationship will also work if you have the kind of schedule that I have…sa totoo lang.”

Read more...