ISINAMPA ang ikatlong libel case laban sa itinawalag na dating Iglesia Ni Cristo (INC) Minister na si Lowell Menorca II.
Inihain ang dalawang libel case laban kay Menorca sa Lanao del Norte at Marawi City.
Sinabi ni Supt. Albert Barot, chief ng Ermita police station, na isang subpoena para kay Menorca ang ipinadala sa kanilang opisina ng abogadong si Arnel Hanabajal, ng Cavite prosecutor office para dumalo sa pagdinig sa Marso 4.
“This means someone filed another libel case against him, this time in Cavite,” sabi ni Hanabajal.
“There’s no arrest warrant, just a subpoena,” dagdag Hanabajal.
Nauna nang sinabi ni Menorca ipinag-utos ng INC ang pagdukot at pag-aresto sa kanya noong isang taon matapos naman niyang ibunyag ang mga alegasyon ng katiwalian sa Iglesia.
Inaresto siya noong Miyerkules habang papunta sa Court of Appeals (CA).
Ipinag-utos ang pag-aresto ni Supt. Edilberto Leonardo, na isa ring miyembro ng INC.