Palasyo itinangging miyembro ng PAOCC si Marcelino

Ferdinand-Marcelino
ITINANGGI kahapon ng Palasyo na miyembro si dating Philippine Drug Enforce Agency (PDEA) officer Col. Ferdinand Marcelino ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) matapos namang lumutang na may basbas ng Malacanang ang kanyang operasyon matapos siyang mahuli sa isang drug bust sa Sta. Cruz, Maynila noong Miyerkules ng madaling araw.

Sa isang pahayag ng tanggapan ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., sinabi nito na mismong si PAOCC Executive Director Gen. Reginald Villasanta ang nagsabi na hindi kailanman nila naging operatiba si Marcelino.

“Lt. Col. Ferdinand Marcelino is not and has never been an operative detailed to the Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).Our records likewise show that no ongoing PAOCC operations involve Lt. Col. Marcelino,” sabi ni Villasanta.

Nasa ilalim ng pamumuno ni Ochoa ang PAOCC.

Nauna nang sinabi ni Marcelino na isang lehitimong operasyon ang kanyang ginawa matapos naman siyang mahuli kasama Chinese na si national Yan Yi Shou.

Read more...