Senator wannabe busy sa pagpapaganda

PUSPUSAN ang paghahanda sa darating na kampanya ng isang kandidato na tumatakbo sa isang national position.

Hindi lamang para sa kanyang pondo kundi sa kanyang physical appearance para nga naman oks pagdating ng kampanyahan.

Bukod sa kumuha siya ng personal trainer sa gym, ilang bahagi rin ng kanyang katawan ang ipina-enhance bilang pagpapaganda ng kanyang complete image.

Sa isang gathering ng mga kaibigan, sinabi ng ating Cricket na muntik na niyang hindi makilala ang nasabing kandidato dahil bumata ang itsura nito.

Nagpa-botox at parang lumiit din ang kanyang waistline.

Sinabi ng ating Cricket na busy ngayon ang ating bida sa shooting ng kanyang mga TV ads na sinasabing pinondohan ng isang mayamang negosyante na kasalukuyang nakakulong.

May pangako raw kasi ang ating bida na tutulungan niya sa kaso ang kanyang kaibigang negosyante kapag nanalo sya sa Senado.

Wala sa image ng dating opisyal ang makipag-mabutihan sa mga ganitong tao lalo na at sensitibo ang kanyang dating pwesto sa gobyerno.

Pero nag-iba ang lahat nang pumasok sa kanyang ulo ang pagtakbo sa Senado.

Sinabi ng ilang insider sa dati niyang pinamumunuan na tanggapan sa gobyerno na buti na lang at hindi napili ang kanyang inendorso na maging kahalili sa pwesto dahil tiyak na gagawa lang ito ng kalokohan doon.

Ang kandidato na ready na sa kampanya mula sa kanyang “looks” hanggang sa pondo sa halalan ay si dating government official na si L….as in Lambada.

Read more...