MAY tanong ako sa PhilHealth. Naospital po ako sa isang private hospital dito sa San Jose del Monte, Bulacan na ang findings ng doctor ay pneumoniti o asthma. Umabot sa P16,000 ang bill ko pero P9,000 lang ang covered ng Philhealth. Sabi ko nga, bakit masyadong mababa ang sinagot ng PhilHealth sa sakit ko? Magkano po ba talaga ang covered ng PhilHealth at ano-ano ang coverage sa hospital billling?
Hindi po ba kasama ang laboratory fee, ward, doctors fee, etc? Ask ko rin sana kung magkapareho lang ang pneumonia sa pneumonitis? Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan. Naguguluhan po ako.
Lita Dayang San Jose Del Monte, Bulacan
REPLY: Tama lamang na ang Philhealth coverage para sa asthma ay P9,000. Sa P16,000 na bill ay may babayaran kayo. At kasama sa P9,000 ang room and board, laboratory, diagnostic, gamot. Nakapakete po iyan sa P9,000 kaya ang natira sa P16,000 ang dapat bayaran.
Medical case rates: Dengue I (Dengue Fever and DHF Grades I & II) P8,000 Dengue II (DHF Grades III & IV) P16,000 Pneumonia I (Moderate Risk) 15,000 Pneumonia II (High Risk) P32,000 Essential Hypertension P9,000 Cerebral Infraction (CVA I) P28,000 Cerebro-Vascular Accident (hemorrhage /CVA II) P38,000 Acute Gastroenteritis (AGE) P6,000 Asthma P9,000 Typhoid Fever P14,000 Newborn Care Package in Hospitals and Lying-in Clinics P1,750 Para naman sa iyong katanungan ang pagkakaiba ng pneumonitis at Pneumonia, ay pneumonia ay isang infection o bacteria o viral o na nagpo-produce ng mga secretation habang ang pneumonitis naman ay isa ring infection na nagdudulot lamang ng pamamaga gaya ng arthritis. Dr. Israel Francis Pargas OIC, Vice President, Corporate Affairs Group Philhealth
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
