Sa wakas, Zanjoe umaming hiwalay na sila ni Bea

ZANJOE MARUDO AT BEA ALONZO

ZANJOE MARUDO AT BEA ALONZO

UMAMIN na rin sa wakas si Zanjoe Marudo na hiwalay na sila ni Bea Alonzo. “Opo,” was just his answer when asked sa Tonight With Boy Abunda kung totoo nga ang mga tsismis about their break up.

He didn’t even mention kung paano natapos ang four years nilang relasyon ng Kapamilya actress. Sa darating na March na sana ang kanilang 5th year anniversary.

Zanjoe was also asked kung paano niya nilalabanan ang matinding kalungkutan ngayong wala na sila ni Bea? “Wala namang madaling way, so kailangan talagang pagdaanan.”

Pero ayon kay Zanjoe, “Love is worth fighting for.”

READ NEXT
SSS, SAF, MRT
Read more...