Julia Montes pak na pak mag-Darna pero may problema

JULIA MONTES

JULIA MONTES

KASAMA si Julia Montes sa gusto ng netizens na gumanap bilang Darna dahil bagay din daw sa dalaga ang costume ng Pinay superhero bukod siyempre kina Angel Locsin, Liza Soberano at Nadine Lustre.

Oo nga, puwede naman talaga, kaso tisay si Julia katulad ni Jessy Mendiola na inayawan na ni Direk Erik Matti kasi nga sobrang puti, e, ang hinahanap na Darna ngayon ay Pinay ang features kaya nga pasok sina Liza at Nadine kung sadyang hindi na puwede si Angel.

Samantala, mas magiging mainit ang laban nina Kara at Sara para sa kanilang karapatan ngayong nasa panig na ni Lucille (Carmina Villarroel) ang inaakala nilang kaibigan na si Alex (Maxene Magalona) sa umeereng kuwento ngayon sa Doble Kara.

Sa tulong ni Alex, isa-isa nang naisasakatuparan ni Lucille ang kanyang mga plano laban sa kambal at isa na nga dito ang pagsali ni Sara sa isang networking business.

Lingid sa kanyang kaalaman ay pakana lamang pala ito lahat ni Lucille na patuloy na gagamitin ang pagiging gahaman sa pera ni Sara upang mabawi ang lahat ng kanyang minana mula sa ama.

Ano kaya ang gagawin nina Kara at Sara pag nalaman nilang kasabwat pala ni Lucille si Alex? Mapagtagumpayan kaya ni Lucille ang kanyang mga plano?

Read more...