Pauleen inaatake na ng nerbyos sa kasal nila ni Bossing

pauleen luna

ANG pinakahihintay na wedding ng taon – ang pinag-uusapang kasal nina Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto ay inaabangan na ng buong bansa.

Ang hiling ng magiging mag-asawa ay maging exclusive at pribado sana ang kanilang pag-iisang dibdib. Pero ngayong Sabado ng umaga sa favorite morning show ng bayan, ang Sarap Diva, makaka-bonding ni Regine Velasquez ang future Mrs. Marvic Sotto.

Nagpaunlak at bibisita mismo sa bahay ng Asia’s Songbird si Poleng para mag-share ng exciting details tungkol sa kanilang pinakaaantay na big day!

Masisilip natin ang kanyang wedding dress at iba pang importanteng detalyeng ni-request mismo nina Pauleen at Bossing sa kanilang wedding coordinator.

Inamin din ng TV host-actress kay Regine na kinakabahan na siya sw “most important walk” sa kanyang buhay. Imbitado ang lahat ng mga Kapuso sa despedida de soltera ni Pauleen sa Sarap Diva ngayong Sabado after Maynila.

Read more...