Resolution inihain para i-override ang pag-veto ni PNoy sa P2K SSS pension hike
SINABI ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na pormal nang inihain ang resolution na naglalayong i-override ang ginawang pag-veto ni Pangulong Aquino sa panukalang batas para dagdagan ng P2,000 ang Social Security System (SSS) pension.
Idinagdag ni Escudero na pinapaikot na ang resolusyon para pirmahan ng mga senador.
“Hindi ko aangkining resolution ‘yun, pag inangkin ko ‘yun baka maraming hindi pumirma. ‘Yung authors po nu’n ‘yung mga pipirma,” sabi ni Escudero.
Inamin naman ni Escudero na wala pang 16 na senador ang pumirma sa resolusyon, bagamat ipinadala na ito sa plenaryo para sa kaukulang aksyon ng Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending