Cavs binugbog ng Warriors | Bandera

Cavs binugbog ng Warriors

Frederick Nasiad - , January 20, 2016 - 01:00 AM

stephen curry

CLEVELAND — Nagharap sa unang pagkakataon sa season na ito ang nagdedepensang kampeong Golden State Warriors at ang tinalo nito sa NBA Finals na Cleveland Cavaliers.

Dahil parehong paborito ang dalawang koponang ito ay umaasa ang mga NBA fans ng mahigpitang laban. Sa halip ay maagang tinambakan ng Warriors ang Cavaliers para manalo, 132-98.

Tumikada ng 35 puntos si Stephen Curry mula sa 12-of-18 field goal shooting. Nagbuslo rin si Curry ng pitong tres na ang ilan ay kanyang itinira kahit may bantay siya.

Dahil malayo na ang agwat ng iskor ay hindi na pinaglaro sa fourth period ang reigning Most Valuable Player ng liga na si Curry. Nag-ambag naman ng 20 puntos si Andre Iguodala habang si Draymond Green ay kumulekta ng 16 puntos, 10 assists at pitong rebounds.

Nanguna para sa Cleveland si LeBron James na may 16 puntos sa laro pero ang dalawang ‘sidekick’ niyang sina Kevin Love at Kyrie Irving ay umiskor lamang ng pinagsamang 11 puntos sa masaklap na 4-of-16 field goal shooting.

Dahil sa panalo ay nanatiling lamang ng 10-1/2 game sa Pacific Division ang Golden State sa pumapangalawang Los Angeles Clippers na nagtala ng franchise-record 22 three-pointers sa 140-132 overtime win kontra Houston Rockets kahapon.

Umiskor ng career-high 40 puntos si J.J. Redick para sa Clippers. Tatlong iba pang laro kahapon ang humantong sa overtime at dalawa rito ay umabot pa ng double overtime. Gumawa ng 31 puntos at 11 rebounds si Dirk Nowitzki para itulak ang Dallas Mavericks sa 118-113 panalo kontra Boston Celtics sa overtime.

Kinailangan naman ng dalawang extension ang 119-113 panalo ng New York Knicks sa kulelat na Philadelphia 76ers gayundin ang 124-119 pagwawagi ng Charlotte Hornets sa Utah Jazz.

Lima katao ang umiskor ng double figures para sa Knicks sa pangunguna ni Arron Afflalo na may 25 puntos sa laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending