Angelica na-depress daw kaya nagpaparamdam kay Derek

derek ramsay

Nagpaparamdam nga ba uli si Angelica Panganiban kay Derek Ramsay dahil sa sobrang depresyon? Kahapon, kumalat sa social media na pina-follow na uli ng Kapamilya actress ang kanyang ex-dyowa sa Instagram.

Sa “following” list ni Angelica naroon na ang pangalan ni Derek and vice versa. Kung hindi kami nagkakamali, mula nang maghiwalay ang dalawa ay hindi na nila pina-follow ang isa’t isa sa kanilang social media accounts.

Kaya naman binigyan ito agad ng malisya ng netizens. Baka raw nagpaparamdam na naman si Angelica kay Derek dahil totoong hiwalay na sila ni John Lloyd Cruz. Pero bago nga ito, sinabi na ng aktres na sila pa rin daw ni Lloydie.

Pero mukhang dedma na si Derek kay Angelica dahil maligaya na ito sa piling ng kanyang girlfriend na si Joanne Villablanca.

Read more...