Cesar iwas na iwas sa isyu tungkol kay Sunshine

cesar montano

“BAKIT Manipis Ang Ulap?” Ito ang balik-tanong sa cast members ng bagong drama series ng TV5 na magsisimula na sa Feb. 15. “Kasi maganda ang panahon.

Walang nagbabadyang bagyo,” ani Cesar Montano na umaming manipis ngayon ang ulap sa kanyang buhay dahil maligaya raw naman siya.  “Di ba kasi pag makapal ang ulap, it means gloomy.

Mabigat, may nagbabadyang kung anong sama ng panahon. In life, ganu’n din. Kapag manipis lang ang ulap sa buhay mo, ibig sabihin, maaliwalas, masaya, maganda, magaan,” ang dagdag paliwanag ng aktor na for the first time ay makakatrabaho si Claudine Barretto sa isang soap opera.

“When the role was offered to me by Mr. Vic del Rosario, sinabing si direk Joel (Lamangan) ang direktor, maganda ang istorya at kasama si Claudine, du’n pa lang mabilis na akong umoo kaya tanong ko agad, kailan po ang taping?” dagdag ni Cesar.

“Very DOM-ish” naman ang simpleng deksripsyon ni Claudine sa karakter ni Cesar though “younger” and more “charismatic” version daw na swak sa role niya.

Ang TV remake ng Bakit Manipis Ang Ulap? ay mula sa Danny Zialcita classic film na pinagbidahan noon nina Chanda Romero, Laurice Guillen, Janice de Belen, Mark Gil at marami pang iba.

And this time ay pagbibidahan naman nina Claudine, Cesar, Diether Ocampo, Meg Imperial, Ruffa Gutierrez, Dindi Gallardo and many others.

When Cesar was asked naman about his lovelife, happy naman daw siya pero hindi niya diretsong inamin kung single or taken na siya, basta aniya, hangga’t wala pang resolusyon ang annulment nila ni Sunshine Cruz hindi niya pwedeng sabihing single siya.

Read more...