Diether minalas na naman sa lovelife, inatake ng depresyon

diether ocampo

Sa presscon pa rin ng bagong serye ng Kapatid network, ibinuking ni Claudine na broken-hearted ngayon si Diether Ocampo. Kapansin-pansin kasi ang pagiging seryoso ni Diet sa pagsagot sa mga tanong ng press na malayung-malayo sa pagiging mapagbiro niya noon during presscons.

Ayon kay Diet, okay naman daw ang buhay niya ngayon ngunit tumanggi siyang magdetalye kung ano ang pinagkaabalahan niya noong wala pa siyang proyekto sa mga nakalipas na buwan.

Pero aniya, hindi naman daw siya nawala, hindi lang daw siya ganu’n ka-visible tulad noon. Pero nu’ng magsalita nga si Claudine, sinabi nitong pagpasensiyahan na raw ang pagiging seryoso at tahimik ni Diether dahil may pinagdaraanan ito.

“Alam n’yo naman, di ba? Bestfriend ko si Diet, at medyo naligaw siya ng landas. Actually, kaka-break lang niya kaya medyo ganyan siya ngayon,” ani Claudine habang natatawa lang sa tabi niya si Diet at akmang aagawin ang microphone para pigilan na siya sa pagsasalita.

Feeling nga namin, medyo depressed si Diether nu’ng humarap siya sa entertainment press dahil bukod sa walang sigla ang kanyang mukha ay mababang-mababa rin ang emosyon niya habang nagsasalita.

Pero in fairness, mas gwapo at mas fresh siya ngayon, ha!

Read more...