Sulat mula kay Jemalyn ng Bagbag, Novalihces, Quezon City Dear Sir Greenfield,
Mula po ng grumadweyt ako noong 2014 magdadalawang taon na po akong hindi nagkakaroon ng regular na trabaho. Bakit po kaya ganon, masipag naman akong maghanap at masikap naman ako sa buhay. Minsan akong nagkaroon ng trabaho kaya lang contractual lang kaya pagkatapos ng six months wala na uli akong trabaho at istambay na naman ako. Kailan kaya ako makakahanap ng regular na trabaho na angkop sa natapos kong kurso na HRM? April 16, 1993 ang birthday ko.
Umaasa, Jemalyn ng Quezon City Solusyon/Analysis: Palmistry;
May malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin wala sa ating bansa ang iyong suwerte sa career at propesyon, bagkus nasa ibayong dagat. Ibig sabihin, kaya ka pala hindi natatanggap at hindi nagkakaroon ng regular na trabaho sa ating bansa, nasa aboad pala ang isang napaka-gandang kapalaang naiinip ng naghihintay sa iyo.
Cartomancy:
Six of Clubs, Nine of Hearts at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2016, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran, sapat upang tulad ng ilang mga kababayan nating nakapag-abroad, tuloy-tyuloy ka na ring uunlad sa aspetong pang career at pananalapi. Itutuloy….
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
