Direk Cathy tinakot na papatayin kaya napilitang magsalita
Inamin ni direk Cathy Garcia Molina na nagmumura siya sa set ng kanyang teleserye. Sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda ay sinagot niya ang mga alegasyon nina Alvin Campomanes and Rossellyn Domingo na nagsabing ipinahiya sila at minura ng director sa set ng Forevermore.
Hindi itinanggi ni Cathy na nagmura siya pero it was done “with good intentions na sana napaganda ang show, mapaarte ang artista, makuha ang kailangan para mapaganda ang show.” “He was right, I really cursed. But not at him, ilalagay ko lang sa konteksto.
Hindi nakalagay doon sa letter kung gaano kadalas siya nagkamali. Hindi nakalagay sa letter (kung) ilang beses kinunan ‘yon. Hindi nakalagay sa letter (kung) ano ang sinabi niya kung bakit ako nakarating sa gano’ng emosyon.”
“Sino ba ang kausap mo bakit hindi ka tumingin? Tignan mo, ang kulit mo naman, e, pakshet ka,” pagre-recall niya sa insidenteng namura niya ang extra. Aminado naman si Cathy na “hindi tama ang pagmumura” pero “hindi siya nagmumura to degrade or to humiliate or to insult anyone.” Nakarating daw sa kanya ang complained pero ang alam niya ay na-settle na iyon.
Willing naman siyang mag-apologize sa extra kung nalaman lang kaagad niya na hindi pala ito sanay sa mura. “Kaya ko naman mag-apologize, e. Kayang-kaya ko. Hindi niya pala alam ang lenguwahe ng industriyang ‘to.
Kung sinabi lang niya right away, I would have go to him and say, ‘sorry, hindi ka pala sanay.'” Ayon kay direk Cathy, nadamay na ang dalawa niyang anak sa issue at may death threat na rin siya kaya she decided to talk.
May mga nag-wish pa ng raw na, “Sana mamura rin ang mga anak mo.” In the end, gusto ni Cathy na “sana after nito (ay) matapos na po. Sana maiwan ito sa amin na lang ni Alvin at kay Rossellyn.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

