Claudine maraming pasasabugin sa presscon; Gretchen, Marjorie walang kawala

claudine barretto

Sa pakikipagharap ni Claudine Barretto sa mga press people para sa seryeng Bakit Manipis Ang Ulap? na malapit nang mapanood sa TV5 sa pakikipagtulungan ng Viva Entertainment ay may dapat siyang paghandaan.

Tatakbo nang maayos ang presscon, natural lang na itatanong kay Claudine ang kasalukuyang sitwasyon nila ni Raymart Santiago pagkatapos ng pagkakasuhan nila nang matagal-tagal ding panahon, pero siyempre’y may magtatanong din sa kanya tungkol sa ibang bagay-bagay.

Kumusta na ba sila ngayon ng kanyang kapatid na si Gretchen, okey na ba sila, wala na rin bang problema sa pagitan nila ng kanyang kapatid na si Marjorie na minsan ay nakasamaan din niya ng loob?

Gaano ba kasarap katrabaho si Cesar Montano, gaya pa rin ba nang dati ang pagkakaibigan nila ni Diether Ocampo, siguradong lulutang sa tanungan-sagutan sa presscon ang mga ganu’ng isyu.

Pero palagay nami’y may malakas ang loob na mang-uukilkil kay Claudine kung sino ang batang nadagdag sa family picture na lumabas kamakailan habang nagbabakasyon sa Amerika si Marjorie at ang mga anak nito.

Tatlo lang ang alam nating anak nina Marjorie at Dennis Padilla, si Daniella kasi ay anak ni Marjorie kay Kier Legaspi, kaya sino ang isa pang batang nasa larawan? Diretso kayang sagutin ni Claudine kung sino ang mystery child sa retrato? Kaabang-abang ang presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap? ng TV5 at Viva Entertainment.

Ewan kung tama ang kutob namin. Hindi kaya para makaiwas siyang sagutin ang sorpresang tanong ay sabihin na lang ni Claudine Barretto na hindi niya nakita ang retrato kaya wala siyang alam tungkol du’n?

Read more...