Wenn Deramas hindi magso-sorry kay Ai Ai

wenn deramas

Para kay John “Sweet Lapus, hindi raw niya nakikitang manggagaling kay direk Wenn Deramas ang effort para unang bumati kay Ai Ai delas Alas. “Pareho ko silang kaibigan at madalas na makatrabaho.

Nalulungkot ako sa nangyari pero sa showbiz, ganu’n talaga. Yung nangyari sa kanila sa MMFF, part lang iyan lahat ng gulo at saya sa showbiz. Si direk Wenn para sa akin ang nasaktan sa sinabi ni Ai Ai na hindi rin naman natin masisisi kung nakapagsalita ng ganu’n bilang entry nila ang pinag-uusapan.

“Naku, mga mature and responsible people na sila. Alam na nila ang gagawin nila. Ang sa akin lang, sana very soon magkausap at magkaayos din sila,” pahayag ni Sweet nang makausap namin sa presscon bagong serye ng TV5, ang TV remake ng Tasya Fantasya.

First time palang mapapasabak sa sitcom si Sweet at kahit medyo ironic daw na homegrown artist siya ng ABS-CBN na nagkaroon na ng maraming sitcoms, eh, ang TV5 pa raw ang nagbigay sa kanya ng oportunidad sa pamamagitan nga ng Tasya Fantasya na pagbibidahan ng loveteam nina Mark Neumann at Shy Carlos.

“Again, ganu’n talaga sa industriya natin. Ang importante, may trabaho at dapat kong gawin ng maayos ang work ko,” sey pa nito. Ang Tasya Fantasya nga ang isa sa mga pambato ng TV5 at sinasabing maglulunsad sa bagong tandem nina Mark at Shy.

LATEST STORIES
Read more...