Pabonggahan ang cover ng mga magazine this December.
Iba’t ibang concept ang kanilang ginawa para sa ilang popular celebrities.
Pinaka-daring ang cover photo ni Lovi Poe where she was captured half-naked habang nakatalikod.
Ang ganda ng shot at talagang pinag-isipan.
Kahit na nakahubad ay done in good taste ito at hindi lumabas na malaswa.
Kahit na litaw ang pisngi ng dibdib ni Lovi ay maganda pa rin ang kuha.
Modelong-modelo ang aura niya sa nasabing cover pictorial.
Actually, she reminded us of Kate Moss sa kanyang shot.
The cover of another magazine also had a different shot of Sarah Geronimo.She was beautifully captured in a long red dress.
Kaya lang, with her make-up ay nagmukha siyang si Sam Pinto.
Talagang when we saw her cover pictorial ay si Sam Pinto ang aming unang naisip.
Kuhang-kuha ng make-up artist ang mukha ni Sam.
Ano ba ito, sinadya o nagkataon lang?
Si Solenn Heussaff naman ay tila naka-wig sa kanyang photo shoot for another magazine.
Mukha lang niya ang kuha at ang ganda-ganda ng pagkaka-make-up sa kanya.