Orasyon para yumaman (2)

Sulat mula kay Jess ng Poblacion, Balabagan, Lanao Del Norte
Problema:
2. Maunlad naman dati ang buhay namin, nuong kagagaling ko lang sa abroad, kaya lang simula ng sumubok akong mag-negosyo, nagkabaon-baon na akong sa utang. Nakabili pa ako dati ng pampasaherong jeep, pero naibenta ko rin. Gusto ko sanang magbalik sa abroad, pero pending pa ang mga papeles ko.
3. Nais ko sanang itanong kung may alam po ba kayong orasyon para muli kaming yumaman? At may pag-asa kayang maibalik uli ako sa abroad? January 17, 1966 ang birthday ko.
Umaasa,
Jess ng Lanao Del Norte
Solusyon/Analysis:
The Grimorium Verum:
Heto ang orasyon para yumaman, hango ito sa Awit ni David, sa Psalm, cxx, 3, “Wealth and riches shall be in his house, and his righteousness endureth for ever”. Sa wikang Latin mas lalong mabisa, “HE SUBSTATIA ET DIVITIAE IN DOMO EIUS VAN ET IUSTITIA EIUS PERSEVERANS SEMPER. Bigkasin mo lang ang orasyon nabanggit ng 18 times sa umaga, habang sumisikat ang araw, sa tanghali at sa gabi, hanggang sa iyong makatulugan. Sa ganyang paraan, makikita mo, sa taong ito ng 2016 magsisimula na uling umunlad ang inyong pamumuhay.
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ay nagsasabing papalarin ka sa mga negosyong may kaugnayan sa kalakal na nahuhukay sa ilalim ng lupa, gayon din sa mga bunga ng mga pananim at produktong butil at prutas.
Numerology:
Ang birth date mong 17 ay sadyang batbat ng pagsubok, laging ganon ang magiging buhay mo, subalit sa taong 2016 tulad ng nasabi na sa edad mong 50 pataas, uunlad uli ang inyong pamumuhay hanggang sa tuluy-tuloy ka na uling yumaman.
Huling payo at paalala:
Jess ang buhay ay parang gulong, bilog at paikot-ikot lang, Ito ang tinatawag na siklo o cycle ng kapalaran, kung saan, maaaring naghihirap ka ngayon upang pagkatapos, muli ka na uling umunlad, na natakdang mangyari at magsisimulang maganap tulad ng paulit-ulit na nasabi na, sa taong ito ng 2016 sa edad mong 50 pataas.

Read more...