‘Bestie’ kumita na ng P500M; Coco game na game sa part 2

vice ganda

Nasa cloud nine si Coco Martin dahil sa huge success ang “Beauty and the Bestie” na as of this writing ay nasa more than P500 million na ang box office take.

“Masaya po kasi sabi ko nga po naging sulit ‘yung paghihirap ng team ng ‘Beauty and the Bestie’. Talagang grabe ang suporta ang ibinigay ng Star Cinema at Viva Films. Sabi nila, ‘hindi natin ito titipirin.

Ibibigay natin lahat para mapasaya ang mga tao.’ Kaya siguro isa ito sa mga dahilan kung bakit nila nagustuhan ang pelikula namin,” say ni Coco sa thanksgiving party na ibinigay niya for the press.

Aminado si Coco na kinabahan siya sa kalalabasan ng movie sa takilya, “Sa totoo lang ang pressure ay nasa akin kasi lagi siyang (Vice Ganda) number one, eh. Natatakot ako na baka doon pa siya hindi maging number one or ‘yun pa ‘yung pinakamahinang kita ng pelikula niya.

“Napaka-proud kasi ‘yung pagkakaibigan namin ni Vice ay hindi lang dahil sa proyektong ito o showbiz lang. Kumbaga, ‘yung personal naming buhay ay tumawid siya sa trabaho namin at napagtagumpayan namin,” say ng bida ng Ang Probinsyano, the most-watched teleserye in the country.

When asked kung magkakaroon ng sequel ang “Beauty and the Bestie”, ito ang say ng Primetime King, “Depende po ‘yon sa Star Cinema. Mahirap pong magsalita.

Siguro sa ganda po ng kinalabasan, palagay ko po baka, baka. Napakarami pang puwedeng puntahan (ng movie).”

Read more...