Concert ni Alden sa Dubai sinuportahan ng AlDub nation pero lugi pa rin ang producer

By Cristy Fermin January 16,2016
share this

Concert ni Alden sa Dubai sinuportahan ng AlDub nation pero lugi pa rin ang producer

By Cristy Fermin January 16,2016
share this

aden richards

Isang source na kaibigan ng isa sa mga producers ng show ni Alden Richards ang tumawag sa amin. Pinatunayan nito na napuno nga ng Pambansang Bae ang venue sa Dubai pero malaki pa rin ang nalugi sa mga prodyuser.

“Sa laki ng talent fee ni Alden, kahit doble pa ng venue ang punuin niya, e, lugi pa rin ang mga producers. Maliit lang kasi ang venue, tennis court lang na nilagyan ng stage at mga silya,” kuwento ng aming kausap.

Ganu’n din daw ang nangyari sa kasunod na concert ni Alden Richards, maraming nanood, pero malaki ang natalo sa mga namuhunan. “May nag-ahente kasi sa kanila. Ang tanungan nga ngayon, e, baka raw kasi sobrang laki ang ipinatong ng agent ni Alden, kaya lumobo rin ang talent fee niya.

“Iba pa rin kapag direktang kinukuha ang mga performers, actual price ang ibinibigay sa kanila, unlike kapag may go between na nagpapatong pa sa totoong presyo, kaya malaki ang hinahabol ng mga show producers para kumita sila,” dagdag na impormasyon pa ng aming source.

At habang mabenta si Alden Richards sa mga concert sa probinsiya at iba-ibang bansa ay makatutulong nang malaki para sa kanya ang pag-aaral ng iba-ibang kanta. Iilang piyesa lang kasi ang bitbit niya sa lahat ng shows, super-platinum na ang mga ‘yun, dahil wala raw ibang kinakanta si Alden kundi puro ‘yun lang.
“At mag-aral siyang kumanta, kailangang mag-aral siya para maabot niya ang matataas na tono,” huling komento ng aming kausap.
Walang masama sa isang positibong pagpansin. Malaki ang maitutulong nu’n sa singing career ni Alden.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending