Mukhang wala talagang swerte sa mga babae
HINDI man diretsahang inamin ni Dennis Trillo, mukhang totoong hiwalay na nga sila ng kanyang girlfriend na si Bianca King.
Tatlong linggo na raw hindi nag-uusap at nagkikita ang dalawa, ayon kay Dennis mutual decision naman daw ang nangyari.
Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press si Dennis sa ginanap na thanksgiving/Christmas party ng Luminary Talent Management ng manager niyang si Popoy Caritativo nu’ng Linggo ng gabi, at dito nga sinabi ni Dennis na “lie low” muna ang kanyang lovelife.
Actually, nu’ng simula ng interview, tinanong pa si Dennis kung ano ang plano nila ni Bianca sa darating na Pasko at kung ano ang ireregalo niya sa dalaga, “Wala pa, wala pa.
Hindi pa namin napaplano. Siguro hindi pa…wala pa kaming solid na plano.”
Sumunod na tanong kung napag-uusapan na ba nila ang kasal, “A, hindi pa, hindi pa, hindi pa. Wala, hindi naman kami parehong nagmamadali, tsaka hindi namin ano, wala pa lang.”
May nagtanong naman kung masaya ba siya sa relasyon nila ni Bianca dahil napansin na nga ng ilang reporter na parang malungkot siya nu’ng gabing ‘yun, “Ngayon? A… tahimik yung lovelife ko ngayon, e, sobrang tahimik.
Actually, medyo lie low kami talaga ngayon.”
Ayaw namang sabihin ng binata na cool-off muna sila ni Bianca,“Well, lie low.
Maraming ibig sabihin kasi yung cool-off, e, so, ganu’n. Parang hindi muna… hindi kami masyadong madalas magkita ngayon.
Well, busy kasi kami pareho rin sa trabaho, e.
“Siya, gusto ko ring ma-maximize niya nang husto yung mga opportunities na dumadating sa kanya ngayon.
Gusto kong makapag-focus siya du’n.
Ako rin, sa akin ganu’n din, dahil sobrang busy sa trabaho.
Halos every day kaming nagte-taping (Temptation Of Wife).
Tapos, pag hindi nagte-taping, movie naman ang ginagawa ko.
“So, naiisip lang namin na bigyan namin ng time yung mga priorities namin, lalo na sa trabaho,” paliwanag ni Dennis na lagare nga sa kanyang teleseryeng Temptation Of Wife at sa entry nila sa MMFF 2012 na “Shake Rattle & Roll 14”.
Bukod dito, may gagawin uling isang indie movie ang aktor sa pagpasok ng Bagong Taon.
Halatang ingat na ingat si Dennis sa kanyang pagsasalita dahil baka nga naman masaktan niya ang feelings ni Bianca, “Napag-usapan naman namin.
E, well, sa ngayon, ano rin, e… Hindi ko pa rin alam, e. Malabo. Basta lie low lang kami.
Ayokong manggaling sa akin na yung ano, e…hindi ko pa ano, e, medyo vague pa lahat.”
Nakapag-usap naman daw sila nang maayos ni Bianca pero nakiusap siya na ibalato na lang sa kanila ang issue, “Ahm, huwag na lang nating pag-usapan, ayoko muna, basta maayos naman ‘yung naging pag-uusap namin.”
Halos isang taon din silang naging magkarelasyon, posible pa bang magkabalikan?
“A, hindi ko masabi,” sabi pa ni Dennis sabay sabing, “Well, hindi ko naman masasabing masaya na mag-isa.
Mas masaya lang ako na nakakapag-focus ako sa mas maraming mas importanteng bagay.”
So, magiging malungkot ba ang Pasko niya ngayong wala na sila ni Bianca? “Hindi naman magiging malungkot ang Pasko dahil sa ano, e… hindi naman puro lovelife lang ang Pasko, di ba?
Sa akin, ang Pasko talaga para sa pamilya naman ‘yan. Ever since, ganu’n naman ako talaga.”
“Loveless? Siguro ‘yung mga pagmamahal e manggagaling na sa pamilya muna.
Okay na, sapat na sa akin ‘yun, enough na para maging masaya ako,” hirit pa ng Kapuso leading man.
Mukhang wala talagang swerte sa babae si Dennis, ‘no!
Well, kung may natutuwa sa paghihiwalay nila ni Bianca, ‘yan ay walang iba kundi ang mga fans niya na hindi pabor sa relasyon nila ng aktres. ‘Yun na!
Anyway, nakasama rin ni Dennis sa pagpapasalamat sa mga kaibigan nila sa press ang iba pang alaga ng manager niyang si Popoy Caritativo sina Marian Rivera, Janice de Belen, Jestoni Alarcon, Martin Escudero, AJ Dee at ang dalawang pinakabagong talent ng Luminary Talent Management na sina Rafael Rosell (ka-partner din ni Marian sa Temptation Of Wife) at Tom Rodriguez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.