Maine, Pops nagkakilala na sa burol ni Kuya Germs

pops fernandez

FINALLY, nagkita na nang personal ang celebrity look-a-like na sina Maine Mendoza at Pops Fernandez. Nangyari ang pagkikita ng Concert Queen at Dubsmash Queen sa burol ni Kuya Germs nitong Martes ng gabi sa Mt. Carmel Church sa Q.C..

Hindi pa masyadong close si Yaya Dub kay Kuya Germs pero pumunta pa rin siya sa lamay para makiramay sa pamilya ng TV host-comedian – at bilang respeto na rin sa kapwa niya Kapuso star na itinuturing nang haligi ng showbusiness.

Sa ilang litrato na nakita namin sa social media, nakunan nga ang ka-loveteam ni Alden Richards na katabi si Pops kasama ang anak-anakan din ni Kuya Germs na si Vina Morales.

Maraming AlDub fans ang nagsasabi na magkamukha sina Maine at Pops, pwedeng-pwede nga raw silang gumanap na mag-ina sa teleserye o pelikula. Nauna nang sinabi ng Concert Queen na gusto niyang makilala nang personal si Maine.

 

Read more...