NGAYONG umaga ihahatid sa kaniyang huling hantungan ang mahal nating tatay-tatayan sa showbiz na si Kuya Germs sa Loyola Memorial Park sa Marikina after paglamayan ang labi nito sa GMA building kung saan siya naglingkod for the longest time.
In fairness sa ating mahal na radio/TV host cum actor/manager na si Kuya Germs, he has lived a full life. Nagsilbi siyang inspirasyon to millions of Filipinos na nagsimula sa wala hanggang sa magtagumpay sa buhay.
We will always remember Kuya Germs’ speeches noon kung saan ay palagi niyang binabalik-balikan ang kaniyang pagiging janitor at telonero sa Clover Theater hanggang sa madiskubre siya para maging artista sa telebisyon at pelikula ni late Doc Perez ng Sampaguita Pictures.
Kuya Germs will always be missed by many but for sure, he will be remembered for his countless contributions in the movie industry as a very generous man who has helped many artists spread their wings.
Maraming natulungang artista si Kuya Germs at karamihan sa kanila ay talagang sumikat. Ang pinakahuli niyang palabas ay itong Walang Tulugan with the Master Showman ng GMA kung saan ay maraming kabataan ang binibigyan niya ng break.
He has always been a father to many children who dreamt of making it in showbiz. He also founded the Stars Walk of Fame sa Eastwood inspired by the Hollywood’s Walk of Fame honoring the best of the best amongst our stars.
He left behind a very loving son Federico and four apos and thousands of friends who truly love him. Hay buhay, ngayon ay wala na talaga siya. Tuluyan na niya tayong lilisanin dahil ngayong umaga na siya ililibing.
Basta kami ng alaga kong si Michael Pangilinan, we will keep on praying na dumiretso siya sa kaharian ng ating Poong Maykapal. Kuya Germs, we don’t want to think that you’ve left us – iisipin na lang naming nag-abroad ka lang para maibsan ang aming lungkot.
Baunin mo sa puso mo na mahal na ka naming naiwan dito sa lupa – ay sa Pilipinas lang pala kasi nga we will just think na nag-abroad ka lang pala. Kidding aside, may your soul rest in peace. God bless you. Labyu soooo much. Mwah!