Erich: Di kami magka-live in ni Daniel! | Bandera

Erich: Di kami magka-live in ni Daniel!

Ervin Santiago - January 13, 2016 - 02:00 AM

erich gonzales

Mariing dinenay ni Erich Gonzales na nagsasama na sila ng kanyang boyfriend na si Daniel Matsunaga sa iisang bubong. Sa presscon ng bago nilang teleserye sa ABS-CBN, ang Be My Lady na magsisimula na sa darating na Lunes, walang katotohanan ang kumalat na chika na nagli-live in na sila ni Daniel, “May kanya-kanya po kaming bahay.

Nagkataon lang na ang ipinapatayo niya pong bahay ngayon, malapit sa amin. Mga 10 minutes (ang layo). “Pero like what I said, we wanna do it right. Siyempre, di ba, and we wanna honor God,” dugtong pa ng Kapamilya leading lady.

Hirit pa ni Erich, “We have the same faith. That’s why nagwo-work ang relationship na ito. We keep God in the center and nothing can go wrong.” Nang matanong kung paano naiba ang relasyon nila ni Daniel sa past relalationships niya, biglang umiwas si Erich sa pagsagot, “Okay na po.

Thank you so much, Happy New Year!” Bigla namang humirit si Daniel ng, “She’s special. She is special.” Samantala, promise ng tambalang DanRich, tiyak daw na mai-in love ang mga manonood sa kuwento ng Be My Lady na magsisimula na ngang umere sa Jan. 18 sa ABS-CBN.

Sundan ang nakakakilig na kwento ng certified dalagang Pilipina na si Pinang at liberated na Brazilian-Japanese na si Phil, na gagampanan nga nina Erich at Daniel, at alamin kung paano magkakaintindihan ang kanilang mga puso sa kabila ng pagkakaiba sa salita, paniniwala at kultura.

Lumaki si Pinang sa isang simpleng pamilya na positibo ang pananaw sa buhay at may malaking pangarap. Para matustusan ang pangangailangan ng pamilya ay nakipagsapalaran ang inang si Marcy (Janice de Belen) sa Singapore para na rin makapag-ipon ng pera para matubos ang sinasakang bukid ng asawang si Emil (Al Tantay).

Sa kasamaang palad, isang insidente ang magpapabalik sa kanya sa bansa at tuluyang magwawakas sa nasimulan niya abroad. Samantala, si Phil naman lumaki sa moderno at independent na buhay.

Maranya niyang nakukuha ang lahat ng kanyang gusto sa pangangalaga ng kanyang ina na si Chelsea (Priscilla Mereilles) sa Singapore. Dahil sa nalalapit na kasal ng isang matalik na kaibigan kung kaya’t mapapadpad siya sa Pilipinas.

Sa kanyang paghahanap sa isang mahalagang tao mula sa kanyang nakaraan, mahahanap ni Phil ang isang babaeng magpapatibok ng kanyang puso. Paano makukuha ng agresibong Brazilian Japanese hunk ang atensyon ng konserbatibo at mayuming Pinay?

Kasama rin sa cast ng Be My Lady sina Yayo Aguila, Almira Muhlach, Yves Flores, Karen Dematera, MJ Cayabyab, RK Bagatsing, Devon Seron, Karen Reyes, Mike Lloren, Ana Abad Santos, Perry Escano, Marife Necesito at ang comedy trio na No Direction. Ito’y sa direksiyon ni Theodore Boborol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending