Vice nabawasan na ang angas at pamimintas sa It’s Showtime
BONGGA talaga ang pasok ng 2016 para kay Vice Ganda. Matapos ang matagumpay nitong 2015 MMFF entry na “Beauty and the Bestie” ngayong New Year nga ay agad natin siyang pinansin at hinangaan bilang magaling na host ng bagong segment ng It’s Showtime na “Tawag Ng Tanghalan.”
Ramdam kasi namin ang kanyang sincerity sa naturang portion na napakagaang panoorin. Kontrolado niya ang kanyang participation, hindi OA o agaw eksena though siya talaga ang laging bumabangka sa co-hosts niyang sina Amy Perez, Mariel Rodriguez at Anne Curtis.
Hindi rin niya masyadong ginagamit ang kanyang pagiging “preachy” kaya’t bilib na bilib kami pagiging ismarte niya. Kitang-kita sa istilo ng magaling na komedyante na at home na at home siya sa nasabing talent search na siya ngayong matatawag na flag carrier ng Showtime.
O, di ba at malakas talaga ang feeling namin na very soon ay mapapantayan na nila uli kung hindi man tuluyang mapataob ang ilang portions sa Eat Bulaga. Kuwela rin ang “Trabahula” portion nila na waging-wagi ring naitatawid nina Vhong Navarro at Jhong Hilario.
Sana nga very soon ay magmarka din ang iba pang segments na hawak ng ilan pang Showtime hosts nang sa ganu’n, bonggang-bongga na talaga silang matatawag na “all-around noontime show”.
Speaking of Vice, for sure ay maganda siyang addition sa Pilipinas Got Talent as one of its judges alongside Freddie Garcia, Angel Locsin and Robin Padilla. Yes, the show will no longer have Kris Aquino and Ai Ai delas Alas as judges, thus making it more credible and probably mas istrikto at mapanuri sa paghahanap ng Pinoy talents na hindi lang limitado sa kantahan at sayawan at tunay na pang-world class ang performance.
Bongga nga si Vice dahil araw-araw na niyang nakakasama sa It’s Showtime si Mariel then on a weekend ay ang asawa naman nitong si Robin ang makaka-emote niya. Looking forward talaga kami sa okrayan nila, knowing fully well na mapagpatol din itong si Binoe, in a constructive and funny way.
At saka si Vice, hindi iyan papayag na maging duplication lang ng work niya sa Tawag ng Tanghalan ang gagawin niya sa PGT. So asahan natin na mas magiging palaban, mas makatotohanan at mas “walang awa” ang mga magiging komento niya sa mga contestants.
And yes, did we say that Vice still has his Sunday show na Gandang Gabi Vice, making him again the busiest star of ABS-CBN. Kaya nga ang 2016 prayers and wish namin for Vice ay ma-sustain nito ang kanyang energy at “renewed dedication” dahil sa totoo lang, magaling naman talaga siya, minus his sobrang pamimikon at maangas na comedy bar style as a host.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

