Daniel baliw kay Erich: Lahat ng gusto ko sa babae, nasa kanya!

daniel matsunaga

Sobrang nakaka-in love naman ang ambiance sa presscon ng seryeng Be My Lady noong Lunes dahil punumpuno ng puso ang venue (9501 Restaurant sa ABS-CBN).

Perfect couple rin ang mga bida ritong sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales na talagang nagmamahalang tunay dahil kitang-kita iyon sa mga aura nila. In fairness, sa rami ng naging presscon ni Erich, ngayon lang namin siya nakitang ibang-iba as in.

Baka nga true love na niya si Daniel. Sa Kris TV nagsimula ang kanilang love story, dahil na rin siguro sa katutukso sa kanila ni Kris Aquino. Alam naman nating paborito ni Kris ang dalawa at talagang gustung-gusto niyang magkatuluyan ang mga ito.

Kuwento ni Daniel, “Marami kaming episodes ng Kris TV pero I think, we started developing better friendship after Two Wives. Sa Two Wives, I got to know her better. And ‘yun po, siguro, God really, really has His perfect timing.

Naghintay ako ng 3 years, and ‘yun dumating si Erich. Such a blessing po.” Agree naman si Erich na sa seryeng Two Wives sila nagka-developan ni Daniel. Sabi na nga ba, iba na ang kutob namin noong nakita namin sina Daniel at Erich sa Grub Restaurant na sweet habang naghihintay ng oras dahil guest ang aktor sa Aquino And Abunda Tonight.

Sinulat namin ito at nagtanong pa kami kung break na sina Erich at ang businessman boyfriend niyang kahawig ni Lee Min Ho. Matapos ang ilang araw, inamin ni Erich na hiwalay na sila ng kanyang BF. And after a few weeks, inamin na nila ni Daniel ang kanilang relasyon.

Tanda pa nga namin, sa farewell presscon ng Two Wives ay sinabihan pa kami ni Erich ng, “Ate Reggee, nang-iintriga ka ha! Nabasa ko.” Naisulat na kasi namin dito sa BANDERA ang pagkakalabuan nila noon ng kanyang negosyanteng BF.

Sa tanong kung may plano na silang magpakasal, “Siyempre, may plano ako sa kanya, pero siguro for now, kailangan naming mag-focus sa Be My Lady at sa work namin. Pero siyempre, mahal ko siya and God has really His timing,” sagot ni Daniel.

Tungkol naman sa bahay na ipinagagawa ni Daniel, “I’m building a home first for my family but my future is with her so, what is mine is gonna be hers. “I guess, you get to know each other better with the time.

I fell in love with Erich not just because of her beauty but also because of whole package, you know, she’s God-fearing, she’s Christian and malaking bagay para sa akin kung malapit siya sa pamilya ko.

So, ‘yun, mabait, malambing. Lahat nasa kanya po,” ani Daniel. Ang pagiging responsable at malapit sa Diyos ni Daniel ang nagustuhan ni Erich, “He’s really a family man. Sa edad niyang ‘yan, hindi po lahat may ganyang klaseng pananaw or paninidigan sa buhay, may goals po siya sa buhay.

“Marami po siyang dreams, napaka-hardworking po niyang tao and I think, ‘yun ‘yun, bukod sa mabait, maalaga,” nakangiting kuwento ng aktres. Mapapanood na ang Be My Lady sa Enero 18, Lunes at makakasama rin sina Janice de Belen, Priscilla Meirelles, Al Tantay, Yayo Aguilad, Almira Muhlach at marami pang iba, mula sa direksyon ni Theodore Boborol.

Read more...