Nasawi ang isang pulis nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa kanyang farm sa Infanta, Pangasinan, kagabi.
Natagpuan na lang si PO3 Steve Lacap, imbestigador ng Infanta Police, na nakahandusay sa barangay road at Sitio Nambalan, Brgy. Cato, dakong alas-7:30, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.
Napag-alaman na bago iyon ay umalis ng Infanta Police Station si Lacap para mag-“break” at umuwi sa kanyang bahay para mag-hapunan.
Matapos mag-hapunan ay nagtungo naman si Lacap sa kanyang farm, pero habang nagmomotorsiklo ay pinagbabaril, ayon sa ulat.
Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan at motibo ng salarin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
