Ara sa magiging asawa ni Cristine: Parang awa mo na, ingatan mo ang kapatid ko!!!

ara mina

Naging emosyonal si Ara Mina nang sorpresahin nito ang kapatid na si Cristine Reyes sa ASAP noong Linggo. Binigyan ng “bridal shower” ng kanyang mga kasamahan sa Sunday musical show ng ABS-CBN si Cristine na nakatakda na ngang magpakasal kay Ali Khatibi sa Jan. 27.

Hindi napigilan ni Ara ang maluha habang nagbibigay ng mensahe para sa kanyang kapatid.
“Kasi siyempre nakatira ako sa north, nakatira siya sa south so medyo bihira kami magkita.

But siyempre, alam ko matagal na niya dream magkaroon ng family. Wish ko lang sa kanya, sana ilagay niyo sa center si God para lalo kayo magtagal and sana lagi kayong masaya,” pahayag ni Ara.

Pinaalalahanan din ni Ara ang kanyang sisteraka na maging understanding wife at magkaron lagi ng open communication sa kanyang magiging asawa.

“Dream naming lahat na magkakapatid na buo ‘yung family kapag nagkapamilya kasi alam naman ng mga tao na broken family kami. I am happy for her,” chika pa ni Ara Mina na hiwalay na ngayon sa kanyang dating live-in partner na si Patrick Meneses na tatay ng kanyang anak.

Hiling naman ni Ara kay Ali Khatibi, “Ingatan mo ang kapatid ko. Parang awa mo na.”

Read more...