Isang 75-anyos na retirado mula sa Quezon City ang nanalo ng P50.29 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 noong Enero 3.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay mayroong asawa at apat na anak.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 26- 10- 5-24- 49- 12.
Ayon sa nanalo, na sinadyang hindi pinangalanan para sa kanyang seguridad, kinuha niya ang mga numero mula sa kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay.
Tumaya siya ng System 8 o pumili ng walong numero sa halip na anim. Nagkakahalaga ang kanyang taya ng P560.
Plano niyang magtayo ng negosyo gamit ang napanalunan at itabi ang bahagi ng premyo para sa kanyang mga anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.