‘Malapit na talaga ang Pasko, dapat mag-ingat tayong lahat!’
MUNTIK na palang mabiktima ng Budol-Budol Gang si Angelica Panganiban. Sa Twitter niya itsinika ang nangyari.
“Importante lang…Muntik na kami mabudol budol sa bahay.
Na sakin yung phone number ng tumatawag,” tweet ni Angelica
.Mabuti na lang at hindi naman yata nakakuha ng kahit ano ang mga miyembro ng Budol-Budol gang.
“Malapit na talaga ang pasko. Madami na ang nangangailangan.
Mag iingat kayong lahat. Maswerte pa din ako at walang nangyari samin :),” sabi pa ng dalaga.
Hindi lang ang muntik nang pagiging biktima ng nasabing modus operandi ang itsinika ni Angelica.
Ikinuwento rin niya ang chikahan nila ng kanyang amang si Mark Charlson sa Twitter.Yes, sa nasabing social networking site na ngayon nag-uusap ang mag-ama.
Super proud si Angelica sa kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz, “My boyfriend is the best actor (of) his generation.
I’m trying my best, to be as good as him. (But that’s not gonna happen) I am his biggest fan ever since.
I just want to be enough, compared to my idol.
There’s just too much pressure… Anyways I’ll talk to you soon?” sabi niya sa kanyang father.
When asked by her dad kung ano ang pinagkakaabalahan niya, sinabi ni Angelica na she’s shooting a movie na ipalalabas sa Metro Manila Film Festival, “It will be shown on Christmas day, dad.
We are on our last days. Doing heavy scenes now. But I’m very inspired,” sabi pa ng seksing aktres.
In the end, nagpapasalamat si Angelica at kahit magkalayo sila ng kanyang ama ay meron pa rin silang communication.
“Conversation with my father… Sinong magaakala na pwede to?
Na ganito kayo magkwentuhan?
Na pwede ka mag karon ng ama?
Ang pagmamahal talaga walang pwersahan.. Kahit iwasan mo.
Mauuwi ka pa din sa pagmamahal.. Kasi…Ganon ka.. Ganito ang kapalaran mo 🙂 #HappinessIsBestWhenShared,” she tweeted.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.